Search
Library
Log in
Watch fullscreen
9 months ago|577.9K views

Sanya Lopez napa-"Kadiri!" dahil sa muntik nang mangyari sa kanila ni Jak Roberto | PEP Live

PEP.ph
PEP.ph
Naging mas mataas sa ratings ang Encantadia 2016 mula nang ipalabas muli ito.

Nagkaroon ng rerun ang GMA-7 telefantasya series dahil sa pagpapahinto ng tapings ng mga shows ng Kapuso network, dahil na rin sa COVID-19 crisis.

Natanong tuloy ng PEP Live host na si Jimpy Anarcon ang guests niyang sina Sanya Lopez at Jak Roberto kung totoo bang nag-audition din noon si Jak sa Encantadia.

Inamin ni Jak na nag-audition nga siya.

Sabat ni Sanya, "At medyo kadiri, kasi..."

Kinumpirma ni Jak na ang role na in-audition niya ay ang roles na Aquil o Ybrahim.

Si Ybrahim ang love interest ng mga characters na Amihan at Alena sa Encantadia, na ginampanan nina Kylie Padilla at Gabbi Garcia, repectively.

Si Aquil naman ang love interest ni Danaya, ang role na napunta sa kapatid ni Jak na si Sanya.

Kung nagkataon at natanggap si Jak noon sa Encantadia auditions malamang na maging magka-partners sila ni Sanya bilang lovers.

Pero hindi nga nakuha si Jak sa show at nag-audition muli sa isa pang show ng GMA-7, ang Meant To Be.

#sanyalopez #jakroberto #bidabidasibsonpeplive

Host: Jimpy Anarcon
Shoot Producer: Rommel Llanes
Director: Joh Henri Mariano
Technical Director: Kim Gan
Video Editor: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Browse more videos