#JunkTerrorBill sigaw ng netizens at local celebs; pati si Taylor Swift! | PEP Specials
  • 4 years ago
Sa kabila ng mga mas obvious na problema ng bayan, ipinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasabatas ng House Bill 6875 sa Kongreso.

Kilala rin ang batas na ito bilang Anti-Terrorism Bill.

Dahil dito, marami ang sumita at nagreklamo kung bakit mas inuna pa ito kaysa talakayin ang kasalukuyang health crisis na dulot ng COVID-19, mass testing, at problema sa transportasyon.

Bumaha ang social media ng paglalabas ng sama ng loob ng mga mamamayan, kasama na rito ang mga kilalang personalidad.

Nakadama naman ng tuwa at pag-asa ang mga nagsusulong ng kampanya na ibasura ang Anti-Terrorism Bill--na may hashtag na #junkterrorbill--nang pati ang international pop star na si Taylor Swift ay nanghikayat sa mga tao na makialam at sumuporta sa pagbabasura ng kontrobersiyal na batas.

#junkterrorbill #taylorswift #junkterrorbillnow

Video Producer: Rommel R. Llanes
Music: "Open Eyes Woke" by RAGE

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Recommended