Nina Davuluri, Indian-American na Miss America, nasa gitna ng kontrobersiya!
  • 9 years ago
Nina Davuluri, Indian-American na Miss America, nasa gitna ng kontrobersiya!

Si Nina Davuluri, dating Miss New York, ay ang bagong Miss America 2014! At hindi siya African American...siya ay Indian-American! Na natural ay hindi matanggap ng mga taong makitid ang utak. Ayon sa kanila:

"Paanong nagkaroon ng arabong Miss America?"
"Miss America? Miss 7-11 kamo!"
"Ito ay Miss America, hindi Miss Ibang Bansa!"

Talaga nga naman, ang mga tao ngayon...paanong nangyari na ang Indian-American ay arabo at hindi tunay na Amerikano?

Mabuti na lang at hindi nanalo ang second runner-up na si Crystal Lee, dahil siya ay Chinese-American, at hindi tutoong Amerikano!

Huwag rin nating kalimutan ang mga Italian-American...at ang mga Irish-American...nakikisali lang sila, at hindi sila tunay na Amerikano! Dahil ang tunay na Amerikano, ay...hmmm...sige, huwag na nga lang at mahirap sagutin 'yan!

Hindi naman lahat ng nagsasalita tungkol kay Miss America ay masama, dahil mayroon ding maayos mag-isip at ipinagtanggol ang kanyang pagka-Amerikano.

Ang lahat ng ito ay nailalayo ang ating atensiyon sa isyu na hindi yata kagandahan ang ugali ni Miss America -- tinawag nitong "tabachoy" ang nakaraang Miss America na si Mallory Hagan.

Ang swerte niyo kung kayo ay hindi nanood ng Miss America!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended