PHOTOS: Chief General ng NSA, nagtayo ng sariling Star Trek control room
  • 9 years ago
PHOTOS: Chief General ng NSA, nagtayo ng sariling Star Trek control room

Ayon sa isang artikulo sa Foreign Policy Magazine, ang kasalukuyang Chief General ng NSA na si Keith Alexander ay minsang gumastos ng pera para magpatayo ng isang kakaibang control room para sa Army Intelligence and Security Command, na kanyang tinawag na "Information Dominance Center."

Hindi nakuntento sa kanyang war room, ay naghanap pa ang general ng isang Hollywood set designer para bigyan ang war room ng isang Star Trek-style na makeover -- kumpleto pati chrome paneling at pintong may sound effects!

Hindi klaro kung bakit pinayagan ang magastos at nakakapagtakang proyekto na ito.

Ang general ay gumamit din ng screen na nasa dalawampu't dalawang talampakan ang taas, para ipagyabang ang kanyang mga spying tools, at pinaupo ang mga importanting bisita sa captain's chair.

Ang kanyang surveillance motto ay, "Kolektahin LAHAT," na siyang tugmang-tugma sa kanyang pagka-isip bata at hilig sa laruan.

Ito ay mga larawang mismo ng kwarto na binayaran ng buwis ng mga Amerikano. Sa tingin niyo, ito ba'y kalokohan, o makatwiran?

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended