Japanese na ina, sinunog ang kanyang anak na naka-wheelchair

  • 9 years ago
Japanese na ina, sinunog ang kanyang anak na naka-wheelchair
Matandang Japanese na ina, sinunog sa wheelchair ang kanyang disabled na anak na lalaki.

Inaresto ang ina, 86 years old, nang pinatay niya ang sarili niyang anak, isang 55 year old na disabled na lalaki.

Limang taon nang nakaraan nang magkasakit ang lalaki, at inilagay sa isang nursing home. Pero limang araw kada buwan ay dinadalaw nito ang kanyang ina, para maalagaan siya nito.

Gumamit raw ng paraffin oil ang matanda para sunugin ang kanyang anak sa isang pedestrian bridge noong November 6. Tinawag ng mga saksi ang fire department, pero hindi na nila naligtas ang lalaki, na tuluyan nang nasawi. Ang kanyang ina ay hindi seryosong nasaktan.

Isang suicide note na naiwan sa eksena ang nagbigay ng idea sa pulis, na ang insidente ay isang murder-suicide pact na hindi natuloy.

Umamin sa krimen ang ina, at kasalukuyang nakakulong habang hinihintay ang kanyang trial.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended