Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
African American teenager, binaril habang humihingi ng tulong

Isang shooting sa Detroit ang iniimbestigahan ng mga awtoridad, matapos mamatay ang isang African American na babae, habang siya ay naghahanap ng tulong.

Ang 19 year old na si Renisha McBride ay nagmamaneho bandang alas dos y media ng madaling araw, nang siya ay maaksidente. Namatay ang kanyang cellphone, kaya lumabas siya mula sa kanyang kotse, para maghanap ng tulong.

Ayon sa pulis, may oras na lumipas bago kumatok si McBride sa pinto ng isang bahay. Binuksan daw ng may-ari ng bahay ang pinto, hawak ang isang shotgun. Ayon sa mga report, nabaril daw si McBride sa likod habang patakbo palayo sa bahay; may nagsabi rin na ito ay binaril sa mukha pagkabukas ng pinto.

May gap sa oras nang marinig ng mga kapitbahay ang pagbaril kay Mcbride, at ang pagtawag sa 911. Ang alam lang natin ay HINDI ang may-ari ng bahay ang tumawag sa 911.

Ang insidenteng ito ay kaparehas ng mga kaso ni Jonathan Ferrell at Trayvon Martin, at marami nang nag-po-protesta -- dahil posibleng gamitin ng nambaril ang Stand-Your-Ground Law ng Michigan sa kanyang depensa.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended