Japanese teacher, inutusan ang buong klase na paluin ang isang estudyante
  • 9 years ago
Japanese teacher, inutusan ang buong klase na paluin ang isang estudyante

Grade 2 na estudyante, pinalo ng buong klase sa utos ng kanilang teacher

Isang babaeng teacher sa isang primary school sa Kochi, Japan, ang nag-utos sa kanyang klase na paluin ang isang estudyante na ayaw making sa kanya.

Ang estudyante na kanilang binully ay naka-enroll sa isang special class, pero lumilipat sa isang regular class sa hapon. Nang hindi nito sinundan ang utos ng teacher na maupo, ay inutusan ng teacher ang lahat ng estudyante na paluin ito.

Karamihan sa mga estudyante ay pabirong hinawakan ang estudyante, pero isa sa kanilang kaklase ang malakas na sinampal ang kawawang biktima. Nang mabalitaan ng magulang ng biktima ang nangyari, nagreklamo sila sa teacher. Ang insidenteng ito ay mabilis na kumalat sa buong Japan.

Humingi ng tawad ang eskuwelahan para sa insidente, at pinarusahan ang teacher para sa kanyang kasalanan.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended