Teacher sa Japan, pinaglaruan ang baril na kinumpiska mula sa isang estudyante

  • 9 years ago
Teacher sa Japan, pinaglaruan ang baril na kinumpiska mula sa isang estudyante

Isang grade-school na estudyante ang nagdala ng baril at bala sa eskuwelahan, dahil akala niya ay mga laruan lamang ito. At mukhang ito rin ang pagkakaintindi ng kanyang teacher, na pinaputok ang baril!

Itong nakaraang Setyembre, kumuha ng baril at bala mula sa kanyang bahay ang batang lalaki. Nang dalhin niya ang mga ito sa eskuwelahan, natagpuan ito ng kanyang teacher sa isang inspeksiyon.

Dinala ng teacher ang baril at bala sa faculty room. Isang hapon, may isang teacher na nag-akalang laruan ang mga ito, at nagpaputok sa loob ng eskuwelahan! Buti na lang, at isang kahot na upuan lang ang kanyang natamaan, at walang nasaktan!

Nahuli sa paglabag ng Firearm Control Law ang ama ng estudyante, and iniimbestigahan ng pulis kung paano siya nakakuha ng armas.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended