UPDATE: Jordan Graham, posibleng blinindfold si Cody Johnson bago ito tinulak sa talampas
  • 9 years ago
UPDATE: Jordan Graham, posibleng blinindfold si Cody Johnson bago ito tinulak sa talampas

Naalala niyo ba ang kaso ng 22 year old na babae, na tinulak ang kanyang asawa mula sa isang talampas, walong araw lang matapos silang ikasal? Ayon sa bagong ebidensiya, posibleng blinindfold niya muna ang kanyang 25 year old na asawa bago niya ito itinulak pababa.

Sinabi ni Jordan Graham sa mga imbestigador na ang kanyang asawa ay hindi nagpakita matapos itong mag-joy ride kasama ang isa niyang kaibigan. Hindi nagtagal, ay binago ni Jordan ang kanyang kwento, at sinabi niyang nag-hiking silang mag-asawa, nang silay's nag-away. Hinatak daw siya ng kanyang asawa, at hindi niya sinasadyang itulak ang kanyang asawa pababa sa talampas.

Ngayon, ay may nahanap na tela sa ilog na malapit sa talampas, na posibleng ginamit sa pag-blindfold kay Cody Johnson.

Sa isang interview, nabanggit ni Jordan na nagmayabang si Cody na kaya niyang mag-hike sa lugar na iyon nang naka-blindfold. Pero hindi binanggit ni Jordan kung nag-blindfold nga itong si Cody.

Ang mga abogado ni Jordan ay humihiling na i-dismiss ng judge ang indictment ng first-degree murder, dahil ang naturang interview ni Jordan na isinagawa ng imbestigador ng FBI na si Stacey Smiedala ay hindi nai-record, at hindi sinundan ang tamang procedure ng imbestigasyon.

Ngayon ay hinihintay ang resulta ng isang DNA test na magpapatunay kung ang telang nahanap ay ginamit na blindfold kay Cody -- pero isang buwan pa bago makukuha ang mga resulta.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended