Puting politiko, nangampanya bilang African-American para manalo
Isang puting Republican ang nangampanya sa isang African-American na district, at siya ay...nanalo! Yup, ang konserbatibong si Dave Wilson, isang business owner at kilalang anti-gay campaigner, ay nag-isip ng paraan kung paano siya maaring manalo sa isang African-American na distrito.
Kaya gumamit siya ng litrato ng mga African-American para sa materyal ng kanyang kampanya. Pero hindi niya sinama ang kanyang litrato sa mga ito. Gumawa rin si Wilson ng commercial para sa radyo, kung saan ginamit niya ang pinakamagaling na voice actor. akakuha rin siya ng mataas na rekomendasyon mula sa isang local na pulitiko. Teka...ang rekomendasyon ay nanggaling pala sa kanyang pinsan, na kaparehas ang pangalan ng pulitiko!
Ayon kay Wilson, sa tuwing mag nagsasalitang pulitiko, may niloloko ito.
Sa kanyang depensa, sinundan naman niya ang lahat ng mga panuntunan sa pangangampanya. Pero ang kanyang natalo na si Bruce Austin, ay naniniwalang ang pamamaraan na ginamit ni Wilson at labag sa konsepto ng demokrasya at fair-play.
Nagtawag ng recount si Austin, dahil dalawampu't anim na boto lamang ang kanyang ikinatalo.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH