Do you want to remove all your recent searches?

All recent searches will be deleted

Watch fullscreen

10 taong gulang na batang lalaki, nang-molestiya ng 3 babae?

TomoNews PH
TomoNews PH
4 years ago|12.4K views
10 taong gulang na batang lalaki, nang-molestiya ng 3 kaklase?

Babaeng estudyante, minolestiya ng kanilang kaklase!

Isang 4th grader sa Taiwan ang umamin sa pag-molesta ng isang babaeng kaklase, habang naka-recess ang klase.

Ang kasong ito ay pinag-usapan sa isang council meeting sa Taoyuan County. Ang 10 year old na batang lalaki ay nakatira sa bahay ng kanyang ama - magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Sa bahay ng kanyang ama, nakakakalat ang pornograpiya, na malamang ay dahilan kung bakit nagawang mang-molestiya ng batang lalaki.

Itong buwan, hinubaran niya ang isa niyang kaklase sa banyo ng eskuwelahan, at ipinagyabang pa niya ito sa kanilang mga kaklase.

Umamin ang bata sa pagtangkang pag-rape sa kaklase niyang babae. Na-trauma ang batang babae, at dinala ito ng kanyang mga magulang sa ospital. Buti na lang at napatunayan nila na hindi na-rape ang bata. Ayon sa Social Welfare Department, posibleng hindi magkatugma ang confession ng bata sa kanyang katuwal na pagkilos, dahil kulang ang kanyang kaalaman tungkol sa sex.

Ang batang lalaki ay nakasuhan ng offense against sexual autonomy, at naghihintay ng trial sa juvenile court. Kasalukuyang hina-handle ng social workers ang sitwasyon ng kanyang pamilya.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Browse more videos