Lalaki, naaresto sa pagnakaw ng mga bandana ng babaeng estudyante

  • 9 years ago
Lalaki, naaresto sa pagnakaw ng mga bandana ng babaeng estudyante

Isang lalaking magnanakaw ang naaresto matapos niyang nakawin ang bandana ng mga babaeng estudyanteng nakasuot ng sailor-style na uniform.

Ang modus operandi ng magnanakaw na ito, ay nakawan ang mga babaeng estudyante habang sila ay nakatalikod at siya ay nakasakay sa scooter. Marami nang beses nai-report ang pagnanakaw na ito.

Nadiskubre ng pulis ang ilang dosenang bandana sa bahay ng suspek. Ayon sa suspek, binili raw niya ang iilan sa mga ito.

Nakaka-dalawampu't limang beses na pagnanakaw ang lalaki, mula noong 2010. Karamihan ng mga bandana ay kanyang ninakaw mula sa mga estudyanteng nag-aaral sa iisang eskuwelahan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH