Isang tanga-tangang fan sa Bills-Jets game, nahulog mula sa third floor

  • 9 years ago
Isang tanga-tangang fan sa Bills-Jets game, nahulog mula sa third floor

Para sa ating "What The Foul" sports report, isang Bill's fan sa isang Jets-Bills game ay napatunayan na siya ang pinakamalaking tanga-tanga sa loob ng stadium noong Linggo.

Ang Bill's fan na ito ay nakaisip ng isang ideya noong ikalawang quarter ng laro, kung saan nanalo ang Buffalo, 37 to 14.

Para maisagawa ang kanyang plano, umakyat ito sa isang railing sa may ikatlong deck, na kasing-taas ng third floor.

Hindi na nakakagulat malaman na nawalan ito ng kontrol, at nahulog mula sa third level hanggang sa second level.

At siyempre, bumagsak ito sa ulo ng isang kawawa at walang kamalay-malay na fan.

Nasaktan ang balikat ng tanga-tangang fan, na malamang ay namura ng maraming ibang manonood sa stadium.

Ang malas na fan na binagsakan niya ay nasaktan din. Mag-ingat po sa sports stadiums, at nagkalat ang mga taong hindi nag-iisip!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended