Skip to playerSkip to main content
  • 10 years ago
Isang usa, tinutukan ang isang photographer sa viral video, na-euthanize

Isang malaking usa ang na-euthanize, matapos kumalat ang isang video sa YouTube, kung saan nakipag-untugan ito sa isang photographer.

Ang photographer na si James York ay nasa Cataloochee Trail sa Smoky Mountains National Park isang umaga, para kumuha ng mga litrato. Isang walang takot na usa ang naakit sa kanyang hawak na kamera.

Tinutukan nito ang ulo ng photographer nang halos pitong minuto bago dumating ang mga park rangers para tulungan si York. Sinubukang takutin ng mga rangers ang usa, sa pamamagitan ng paputok, pero hindi ito umubra. Kaya naisipan nilang mas mabuti na patayin na lang ang usa.

Nalungkot si York sa mga nangyari -- gusto daw niya sanang makitang lumaki ang usa.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended