JKK at Jackie O, nag-sex habang nakasakay sa Air Force One!

  • 9 years ago
JKK at Jackie O, nag-sex habang nakasakay sa Air Force One!

Isang mainit na detalye tungkol sa huling ilang oras ng buhay ni John F. Kennedy ay nabulgar sa kanyang 50th death anniversary.

Si William Manchester, isang historian na nagsulat ng talambuhay ng dating president ng Estados Unidos, ay nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ang dating first lady na si Jackie Kennedy. At si Jackie O na mismo ang nagsabing sila ay kabilang sa "mile high club," at ang huling pakikipag-sex niya kay Kennedy ay habang sila ay nasa ere, sa Air Force One. Pero dahil nakiusap si Jackie kay Manchester, ay hindi nabanggit ang detalyeng ito sa libro ni Manchester.



Noong 1970 ay nakipagkita si Manchester kay Philip Nobile, na nais magsulat ng libro tungkol sa mga sikreto ni Kennedy. Sa pagkakataong ito ay nasabi ni Manchester kay Nobile ang sikreto ni Jackie O.

Hindi malinaw kung bakit nagdesiston si Nobile na ilabas ang detalye tungkol sa sex life ni Kennedy sa death anniversary ng dating president -- samatalang ang nakolektang impormasyon ni Manchester ay ibinigay na sa Kennedy Presidential Library -- na nangakong hindi maglalabas ng kahit na anong materyal sa publiko hanggang sa 2067.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended