Chief ng Kobe Fire Department, nadisplina dhail sa sexual harassment
Ang chief ng Kobe Fire Department ay nadisiplina dahil sa sexual harassment. Ayon sa report, na lumabas lamang itong nakaraang Lunes, ang chief ay hinipuan ang hita ng isa niyang katrabahong babae.
Ang chief ay nakasuhan ng paulit-ulit na panghihipo sa hita ng kanyang katrabaho sa isang bar; at hinawakan din nito ang labi ng isa pang biktima sa isang welcome party para sa mga bagong miyembro ng fire department.
Ang mga kasong ito ay lumabas lamang nang kinonsult ng mga biktima ang kanilang mga supervisors.
Ayon sa internal investigation, sinabi ng chief na siya raw ay masyadong nalasing, at walang maalala sa mga pangyayari.
Sa mga ganitong kaso, ang pag-disiplina ay kailangang ipaalam sa publiko. Pero hindi ito ginawa ng fire department dahil ayaw nilang ilabas ang personal na impormasyon ng mga biktima.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH