Basketball coach, nagalit at kinagat ang mukha ng isang babaeng player!

  • 9 years ago
Basketball coach, nagalit at kinagat ang mukha ng isang babaeng player!

Isang high school basketball coach sa Mississippi, na may magandang record, ay napilitang tapusin ang kanyang career matapos ang isang insidente.

Si Doyle Wolverton ay nagco-coach ng isang basketball game sa Marion, Mississippi, noong November 12.

Ayon sa mga report, may nasabi ang isa sa mga babaeng player na hindi nagustuhan ni Coach Wolverton, at hinatak ng coach ang babae, sabay kagat sa mukha nito!

Dahil sa lalim ng kagat, ay sinugod sa ospital ang babae pagkatapos ng game. Doon nag-file ng assault complaint ang ama ng babae, nang napansin ng local police ang mga nangyari.

Ayon sa report, hinatak ng coach ang damit ng babae, at kinagat ito sa bandang kanan ng kanyang mukha -- dahil hindi nagustuhan ng coach ang kanyang pagmumungkahi sa laro.

Sa ngayon, mukhang hindi aabot sa korte ang kaso, basta't matuloy ang pag-resign ng coach mula sa kanyang trabaho. Humingi na nga paumanhin si Wolverton, pero hindi daw siya pwedeng magbigay ng comment.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended