Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Pagpapakamatay ng isang babae, napigilan ng isang retired US Marine!

Ang katapangan ng isang lalaki ang maaring nagligtas sa buhay ng isang babae, sa Oakland Coliseum itong nakaraang Linggo.

Matapos ang football game, tumungo sa exit ang mga fans. Pero may isang babaeng naglakad papasok sa isang ipinagbabawal na lugar, at tila nagtangkang tumalon mula sa upper deck pababa.

Mula sa taas na iyon, ay siguradong mamamatay ang babae kapag natuloy siya sa pagtalon. At dahil dito, ay mukhang may balak itong magpakamatay.

Ayon sa mga saksi, isang lalaking nasa 60 years old -- na isang retiradong US Marine -- ang naglakas loob na lumapit para tulungan ang babae. Nasalo niya ito, pero na-ospital pa rin ang babae, at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

Ang dating Marine ay itinatawag na hero, o bayani, at siya -- pati na rin ang isa pang lalaki -- ay naospital din, pero para lamang sa maliit na pinsala.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended