Korean pop star Ailee, nagpakuha ng litratong nakahubad!
Kilala niyo ba ang Korean pop star na ito?
Si Ailee ay sumikat dahil sa kanyang kantang, "I Will Show You."
Ang k-pop music website sa Estados Unidos, na "allkpop" ay nag-post ng mga litrato ng singer, ilang linggo nang nakalipas, kung saan si Ailee ay nakahubad! Ayon sa website, ang mga litratong ito ay kinunan bago pa naging singer si Ailee.
Sa loob ng isang araw, ay nagkaroon ng lampas sa isang milyong beses na hits ang website, at ang pangalan ni Ailee ay naging top search sa isang local search engine.
Si Ailee ay ipinanganak sa Estados Unidos. Ang kanyang mga magulang ay South Korean, at si Ailee ay naging pop star itong nakaraang taon. Mabilis siyang sumikat, at naging kilala bilang "Korean Beyonce."
Ang 24-year-old na singer ay madalas ring magpakita ng kanyang kaseksihan sa kanyang pananamit.
Ayon sa mga Korean netizens, ang eksena ng mga hubad na litrato ni Ailee ay kaparehas ng eksena ng isang fan video na napapanood sa YouTube.
Inamin ni Aileen na siya mismo ang nasa mga litrato. Kinunan daw ang mga ito bago pa siya mag-audition para sa isang bra commercial. Ayon din kay Ailee, sinubukan niyang kontakin ang bra company, pero siya ay nabigo. Nai-report na rin ang insidenteng ito sa pulis.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH