Babae, iniwan ang asawa, para sa isang boyfriend na inaapi ang kanyang mga anak

  • 9 years ago
Babae, iniwan ang asawa, para sa isang boyfriend na inaapi ang kanyang mga anak

Isang babaeng nagka-affair, nauwi sa child abuse

Si Liu ay isang doktor sa New Taipei City. Ang kanyang asawa't dalawang anak ay naninirahan na sa bahay ng ibang lalaki, simula pa noong Hulyo.

Ang boyfriend ng asawa ni Liu, ay nagngangalang Wang, at hindi lang niya pinagyayabang na siya ay isang "diyos," inabuso pa nito ang mga anak ni Liu.

Ipinagbawal ni Wang na maligo nang mainit na tubig ang mga bata, at pinatulog ang mga ito sa sahig.

Ayon sa mga bata, madalas sigawan ni Wang ang kanilang ina, at pinipilit itong lumuhod sa harapan niya.

Nabalitaan ni Liu ang ganitong pangyayari, at kinumpronta niya si Wang, na nagrisponde na siya ang nag-aalaga ng pamilya ni Liu.

Sa kanilang paghihiwalay ay humingi ng mga ari-arian ni Liu ang kanyang asawa, at binigay pa nito ang bahay ni Liu sa kanyang boyfriend.

Dinemanda ni Liu si Wang at ang kanyang asawa para sa kasong adultery, pero hindi sila nagpakita sa korte. Kasalukuyang iniimbestigahan ang kasong ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended