Skip to playerSkip to main content
  • 10 years ago
Phone app para sa mga may asawang nanlalalake o nambababae

Huli Ka!!!

May bagong phone app, kung saan maari nating makuha ang personal na impormasyon ng mga nambababae o nanlalalaking asawa!

Sa pag-upgrade ng phone app na ito, kahit may password ang cellphone ninyo, ay hindi niyo mapipigilan ang pagkuha sa inyong personal na impormasyon!

Isang 37-year-old na lalaki mula sa Taiwan, ang gumastos ng 570 dollars sa China noong isang taon, para mag-install ng spy software sa kanyang telepono. Siya ay naaresto para sa kanyang ginawa, at matapos siyang makapag-piyansa ay pinalitan niya ang kanyang pangalan.

Ang spy software na kanyang ginamit ay may kasamang hacking function. Ilagay lamang ang account password ng iyong target, at pwede mong makita ang kanyang mga email, Facebook, at Line account!

Ang serbisyong ito ay nasa halagang 1000 US dollars! Maari mo pang papuntahin ang software manufacturer sa iyong bahay, para tulungan kayong i-install ang programa.

Sa kaso ng isang lalaki, ninakaw niya ang smartphone ng kanyang asawa habang natutulog ang babae, at inilagay ang software dito. Limang minuto lang, at naka-install na siya!

Ang nagbebenta at bumibili ng programang ito ay naaresto at nakasuhan ng Infirngement of Computer Usage and Offense Against Privacy.

Ayon sa pulis, ang mga app na ganito ay maaring ma-install sa mga smartphones na gumagamit ng iOS, Android, at Windows operating systems -- at ang pinakamagandang paraan ng pag-iwas sa mga ito, ay ang pag-set-up ng authentication code -- para hindi basta-bastang makalat ang maselang impormasyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended