Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Sulat na may kasamang bala ng baril, pinadala sa isang Japanese na pulitiko!

Isang post office sa Ginza, Tokyo, ang nakatanggap ng isang sulat na may nilalaman na isang bala ng baril. Ang sulat ay para sa isang Taro Yamamoto, miyembro ng House of Councilors sa Japan.

Itong nakaraang buwan, direktang nag-abot ng isang sulat si Yamamoto sa emperador ng Japan, at ito ay ikinagalit ng maraming tao.

Noong Nobyembre, may nagpadala ng kutsilyo sa kanyang opisina.

Nang nakarating ang sulat na may laman na bala sa Ginza post office noong Huwebes, nag-beep ang metal detector, at sa pamamagitan ng X-Ray ay nakita nila ang nasa loob ng sulat.

Pagbukas ng pulis sa sobre, ang nakasulat sa papel ay maikling mensahe lamang: "Shoot to kill."

Ang petsa na nakalagay sa sobre ay mula pa noong Martes, ay ang sulat ay ipinadala mula sa isang post office sa Chiba. Hindi natakot ang nagpadala ng sulat, dahil sinama niya ang kanyang pangalan, at isinulat pa nito ang mga salitang, "divine retribution" sa likod ng sobre.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended