Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Babae, namatay sa gutom sa Osaka, Japan

Ang bangkay ng isang 31-year-old na babae ang natagpuan sa isang Osaka housing complex. Ang babae ay pinaniniwalaang nnaninirahan kasama ang kanyang 65-year-old na ina.

Nang dinalaw ng building manager ang ina, kasama ang isang city official noong Oktubre, nadiskubre nila ang ina na nakahiga sa sahig, at hindi makagalaw.

Dinala ito sa ospital, at hanggang ngayon ay nandoon pa rin ito.

Mula sa insidenteng iyon, ay walang makapag-contact sa anak ng matanda. Nagsuspetya ang kanyang bayaw, at nag-imbestiga ito.

Natagpuan niya ang kanyang hipag sa loob ng isang maliit na silid, lampas sa isang buwan nang namatay, at ang kanyang bangkay ay nagsimula nang mabulok.

Ang babae, at ang kanyang ina, ay nabuhay lamang ng mga benefits na kanilang natanggap mula sa gobyerno, na iniwan ng kanyang ama. Apat na taon nang nakalipas nang sila ay nag-apply para sa welfare benefits. Humingi rin daw ng tulong mula sa kanilang mga kamag-anak ang babae noong Hulyo.

Walang nakitang pagkain sa kanilang bahay ang pulis, at ang babae ay sanay na matulog sa loob ng maliit na silid.

Ayon sa pulis, ito ay maaring isang kaso ng pagkagutom, at patuloy ang kanilang imbestigasyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended