Sex gang at prostitution ring sa Taipei, nahuli ng pulis!

  • 9 years ago
Sex gang at prostitution ring sa Taipei, nahuli ng pulis!

Pulis sa Taipei, napaghiwalay ang isang prostitution ring, kung saan kasangkot ang asawa ng isang lalaking gang member. Anim na lalaki ang kabilang sa ring na ito, at pinilit nilang maging prostitute and isang babaeng malapit nang magpakasal.

Ang 26-year-old na biktima, ay si Hsu ng Taoyuan County. Nakilala niya ang 34-year-old na lider ng gang na si林上恩sa internet itong nakaraang Enero, at nagkita sila sa Ximending -- kung saan nilagyan ni Lin ng droga ang kape na iniinom ni Hsu, kinidnap ito, at pinilit na ibenta ang kanyang katawan.

Kapag tumanggi si Hsu, ay binubugbog siya ng mga miyembro ng gang. Tinakot pa ito ni Lin, sa pagsabing ang kanyang pagpipilian ay: "kamatayan, pagiging prosti, o pakasalan si Lin." Pinili ni Hsu na pakasalan si Lin, pero ang desisyong ito ay mas lalong nagpalala ng kanyang sitwasyon.

Isa sa miyembro ng gang ang nagtangkang tulungan si Hsu na tumakas, pero hindi sila nagtagumpay. Pagbalik sa kanya ni Hsu, inutusan ni Lin ang tatlo sa kanyang gang members na i-rape ang kanyang asawa.

Pagkaraan ng ilang buwan, nasobrahan si Hsu ng droga, at siya ay namatay. Si Lin, at ang kanyang mga gang members ay nakasuhan ng sex trafficking at organized crime.

Inaresto ng pulis si lin, at lima pang lalaki, itong nakaraang linggo. Apat na babae ang naligtas mula sa mga kamay ng gang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended