Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Dalawang tao sa Japan, nabigyan ng dugong may halong HIV!

Dalawang tao ang na-expose sa HIV, dahil napalampas ng Japanese Red Cross Society ang isang donasyon na may halong HIV.

Isang lalaking HIV-positive ang nagbigay ng dugo itong nakaraang buwan, bago niya nalaman na siya ay may HIV .

Kapag ang tao ay na-infect ng HIV, ang katawan natin ay makakagawa ng antibodies sa loob ng walong linggo -- at lalabas lamang ang virus sa HIV test kapag ang mga antibodies na ito ay nasa loob na n gating katawan.

Ang HIV-positive na blood donor ay regular na nagbibigay ng dugo, kaya ang kanyang huling pagbigay ng dugo ay nakalusot sa HIV testing.

Ayon sa Japanese Red Cross, dalawang tao ang nabigyan ng dugo na may HIV.

Ayon sa Ministry of Health, Labour and Welfare, ang nagbigay ng dugo ay nag-alala na maari siyang maging HIV-positive, pero umasa ito na mahuhuli ito ng blood test. Ang ministry ay nag-iimbestiga, sakaling may iba pang taong nabigyan ng dugong may halong virus.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended