Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Lalaking nakapatay sa isang hit-and-run, pinagtatakpan ng kanyang pamilya

Ang 27-year-old na si 蔡旻峰, mula sa Miaoli, Taiwan, ang nagmamaneho matapos makainom.

Sa isang intersection, nabangga ni Tsa ang 65-year-old na magsasaka, na si張聰琳, na nakasakay sa isang scooter. Hindi huminto si Tsai; si Zhang ay namatay.

Na-trace ng pulis ang license plate ni Tsai, at nalaman nilang ang kotseng ginamit ni Tsai ay nasa pagmamay-ari ng kanyang ina.

Sinabi ng ina ni Tsai sa pulis, na siya ang nagmaneho ng kotse nang nangyari ang aksidente, pero nang hindi niya mai-park ng maayos ang sasakyan, ay hindi pinaniwalaan ng pulis ang kanyang kuwento.

Pagkatapos, ay binago niya ang kanyang kuwento, at sinabing ang asawa niya ang nagmaneho ng kotse; o baka ang asawa ng kanyang anak.

Nag-imbestiga ang pulis at natagpuan nila ang isang pares ng sapatos na para sa babae sa may passenger seat ng sasakyan. Dito nila napaamin ang asawa ni Tsai na ang tutoong driver ay si Tsai.

Inaresto ng pulis si Tsai at kinasuhan ito ng negligent homicide at hit-and-run. Sabin g pamilya, nagsinungaling sila para protektahan si Tsai, dahil si Tsai at kanyang asawa ay may kapapanganak palang na anak, at mahihirapan sila kapag nakulong si Tsai.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended