Chinese caregiver, napatay ang 80 anyos na pasyente
Isang caregiver, hindi sinasadyang napatay ang kanyang pasyente!
Si Ms. Huang, na isang personal na caregiver na galing sa China, ay hindi sinasadyang napatay ang kanyang otsenta anyos na pasyente, dahil gusto niyang matulog.
Hantinggabi noong October 1, nang magsimulang mag-rounds ang isang nurse. Nakita niyang natutulog ang pasyente, at ang kanyang mga readings ay maayos naman.
Nang balikan niya ito, makalipas ng isang oras, malamig na ang katawan nito!
Pagtanggal ng nurse sa mask na suot ng pasyente, natagpuan niya ang isang tuwalya na nakasiksik sa bibig nito -- samantalang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi ang caregiver.
Ayon sa caregiver, gusto lang niyang patahimikin ang pasyente dahil mahilig itong humalinghing sa gabi. Hindi daw niya intensiyon ag pumatay; hindi lang niya alam na mali pala ang kanyang ginawa.
Ayon sa ahensiya ng caregiver, alam nila na mali talaga ang ginawa nito, at humihingi sila ng paumanhin sa lahat ng sangkot sa kasong ito. Nagreklamo daw sa kanila ang caregiver tungkol sa pagiging maingay ng pasyente, at nasaksihan din ito ng ahensiya. Nagsisisi at nalulungkot raw ang caregiver sa kanyang nagawa.
Ayon sa ospital, ang kontrata nila sa ahensiyang nagbigay sa kanila ng caregiver na ito ay hindi na matutuloy. Ang caregiver ay nakasuhan ng murder.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH