Aso, niligtas ang kanyang amo sa nasusunog na apartment sa HK!
Isang Corgi sa Hong Kong ang idineklarang bayani, matapos nitong iligtas ang buhay ng kanyang amo, na ginising nito habang nasusunog ang kanilang bahay noong isang araw.
Ang 22-year-old na si Lenka, ay natutulog sa kanyang apartment, sa 27th floor sa Kwei Lien (葵聯) Estate sa Kwei Yong District, nang nagsimulang masunog ang kanyang tinitirhan. Buti na lang at andoon ang kanyang aso na si A-mei, na nagtatahol hangga't nagising si Lenka.
May halos dalawang daang taong na-evacuate mula sa building, at isang lalaki ang sinugod sa ospital dahil marami itong nahigop na usok.
Si Lenka ay nasa kritikal na kondisyon, at nangangailangan ng tubo para makahinga.
Ayon kay Mrs. Den, na isa ring residente ng apartment building, maedyo mabagal ang pagkilos ng iilan sa kanila, malamang nga dahil hindi nila namalayan na nasusunog na pala ang kanilang building.
Ayon sa pinakaunang imbestigasyon, maari raw na nakagat ng aso ang isang electrical cord, na naging kaso ng sunog. Ayon sa ama ni Lenka, imposible daw itong mangyari dahil ang mga cord sa bahay nila ay nakatago sa likod ng mga pader -- pero nagkaroon sila ng short circuit kamakailan, kaya maari ngang may problema na kailangang tingnan.
Ayon sa mga bumbero, ang sunog ay gawa ng electrical cord na konektado sa TV at refrigerator, na nagkaroon ng short circuit.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH