Skip to playerSkip to main content
  • 10 years ago
Lalaking napunta sa ibang pamilya pagkapanganak, dinemanda ang ospital

Isang lalaki sa Tokyo, na nasa kanyang 60s, ay dinedemanda ang isang ospital, dahil ibinigay nila ang lalaki sa maling pamilya nang siya ay mapanganak doon, noong 1958.

Noong siya ay dalawang taong gulang, namatay ang kanyang "pekeng" ama, at naghirap ang kanyang "pekeng" pamilya. Habang siya ay nasa high school, ay kinailangan niyang magtrabaho sa isang pabrika. Matapos siyang grumaduate, ay nagtrabaho siya sa isang delivery company.

Samantala, ang batang lumaki sa piling ng tutoong pamilya ng lalaking naghirap, ay lumaking mayaman, at nag-aral sa pinakamahal at prestihiyosong eskuwelahan.

Ang tatlong "pekeng" kapatid ng batang lumaking yumaman, ang nakapansin sa pagkakaiba ng kanilang itsura - at sa pamamagitan ng DNA test ay napatunayan nilang hindi nila ito kadugo.

Hinanap nila ang tunay nilang kapatid, na ipinanganak sa ospital nang labing-tatlong minuto matapos ipanganak ang kanilang inaakalang kapatid. Sa pamamagitan ng isa pang DNA test, ay napatunayan nilang ang lalaking luamking mahirap ay ang tunay nilang kapatid.

Ayon sa judge ng kasong ito, ang pagkakamali ng ospital ay dahilan kung bakit nagkagulo ang buhay ng lalaking nagdedemanda, na kung hindi dahil sa pagkakamaling ito ay nagkaroon sana ng magandang buhay.

Ang kaso ay naayos sa halagang 38 million yen, o 337,000 USD. Ayon sa ospital, iimbestigahan nilang mabuti ang mga pangyayari at pag-iisipan ang kanilang desisyon tungkol sa hatol ng korte.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended