Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Patrick Moote, kung anu-ano ang sinubukan para mapalaki ang kanyang kalalakihan!

Size matters! Patrick Moote, gusting palakihin ang kanyang kalalakihan.

Ang Amerikanong aktor na si Patrick Moote ay nag-propose sa kanyang girlfriend habang sila ay nanonood ng isang basketball game. Pero tinanggihan siya nito, dahil masyado raw maliit ang kanyang kalalakihan!

Para maiwasang mapahiyang muli, naglakbay sa maraming lugar sa buong mundo si Patrick para maghanap ng solusyon sa kanyang problema.

Sinubukan niyang palakihin ang kanyang kalalakihan sa pamamagitan ng pag-inject ng aphrodisiac sa maselang parte ng kanyang katawan.

Itong nakaraang taon, nagpunta sa Taiwan si Moote para subukan ang JiuJiu Shenggong (九九神功), isang klaseng pag-praktis ng kontrol at paghinga, kung saan nagsabit si Moote ng mga weights sa kanyang kalalakihan.

Ayon sa founder ng JiuJiu Shengong, hindi raw nakisali si Moote sa kanilang mga gawain, at kinunan lang niya ang kanyang mga nakita. Ayon din sa founder, walang kinalaman ang JiuJiu Shengong sa pagpapalaki ng size ng kalalakihan ng isang tao. Imbes na lumaki ang kalalakihan ay baka masaktan pa ito.

Sabi ni Moote, pinakain daw siya ng testicles ng mga pagong, at pinainom siya ng alak na gawa sa mga ahas, para makatulong sa kanyang problema. Pero ayon sa founder ng JiuJiu Shengong, walang sense ang mga kagagawang ito.

Ang lahat ng ito ay ginawang documentary ni Moote, na itinawag niyang, "Unhung Hero." Ito ay malapit nang ipalabas.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended