Babae, sinaksak ng ex-boyfriend habang bumibili ng lotto ticket sa Japan

  • 9 years ago
Babae, sinaksak ng ex-boyfriend habang bumibili ng lotto ticket sa Japan

Isang babae ang nasaksak at napatay diumano ng isang ex-boyfriend sa harap ng isang lottery stand malapit sa Motoyawata Station sa Ichikawa City, sa Chiba Prefecture ng Japan. Ang suspek ay kine-kuwestiyon ng pulis sa Hachijo Island tungkol sa krimen.

Ang ex-boyfriend na pumatay diumano sa biktima ay gusto raw makipagbalikan sa biktima.

May isa pang ex-boyfriend na hinahabol ang biktima para kunin ang perang ibinigay nito sa biktima, na ayaw siyang pakasalan.

Ang biktima ay may utang sa dalawang ex-boyfriend na ito, at humingi ng tulong sa pulis noong Setyembre.

Dahil hina-harass ng dalawang lalaki ang biktima, sila ay parehong nabigyan ng warning.

Ang biktima ay nakatira kasama ang kanyang partner at ang anak nito. Isang araw, ay nagpunta ang biktima sa lottery stand na malapit sa Motoyawata Station. Pumila ito para bumili ng lotto ticket nang pinagsasaksak ito diumano ng kanyang ex-boyfriend. Tumakas ang lalaki, pero nahuli din ito ng pulis itong linggo.

Ang pagtakas ng lalaki ay nakunan sa CCTV. Kasalukuyang kine-kuwestiyon ng mga pulis ang lalaki para sa pagpatay sa babae.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended