UK Social Services, pinilit manganak ang isang babae, at inagaw ang baby nito!

  • 9 years ago
UK Social Services, pinilit manganak ang isang babae, at inagaw ang baby nito!

Matapos magkaroon ng mental breakdown ang isang Italianang babae sa isang meeting itong nakaraang Hulyo, nagpautos ang Social Services ng isang emergency C-Section, para ma-deliver ang baby, at kunin ito mula sa babae.

Ang babae ay nasa isang work seminar sa Essex, nang siya ay tinamaan ng isang panic attack.

Tinawag ang mga paramedics, at siya ay sinugod sa pinakamalapit na ospital.

Nang siya ay nakapag-recover ay babalik na sana ang babae sa kanyang hotel, pero siya ay binigyan ng droga para hindi siya makaalis o makatanggi na manatili sa ospital.

Makaraan ang dalawang linggo, may dumating mula sa Social Services, na may dalang utos mula sa pinakamataas na korte, para ipa-deliver nang maaga ang baby ng babae. Binigyang mui ng droga ang babae, at siya ay nanganak nang hindi niya nalalaman.

Nang magising siya ay wala na ang kanyang baby.

Ayon sa abogado ng babae na si Brendan Fleming, sa apatnapung taon niyang pagiging abogado ay ngayon lang siya nakarinig ng ganitong kaso. Maiintindihan daw niya kung may malalang sakit ang babae, at hindi makapagbigay ng pahintulot sa isang medical procedure -- pero ang pagpilit ng isang C-Section ay hindi kapani-paniwala.

Ang kasong ito ay nagbibigay-pansin sa malakas na kapangyarihan ng korte at Social Services sa United Kingdom.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended