Verruckt Meg-A-Blaster: ang pinakamataas at mabilis na water slide sa buong mundo!
Isang waterpark sa Kansas City ang kasalukuyang nagpapatayo ng pinakamataas at pinakamabilis na water slide sa buong mundo.
Ang Verruckt Meg-A-Blaster ay inaasahang basagin ang record ng Kilimanjaro sa Brazil, na may taas na isang daan, animnapu't apat na talampakan.
Ang "Verruckt" ay German para sa "Baliw," at ang slide, na matatapos daw itong darating na Mayo, ay hindi talaga para sa mahina ang loob.
Ang mga balak subukan ito ay kailangang umakyat ng dalawang daan, animnapu't apat na hagdanan, para maabot ang pinakatutok ng slide, na may labimpitong palapag ang taas.
Sasakay sila sa mga raft, na dadalhin sila pababa, apat na tao kada beses, sa bilis na nagsisimula sa 65 miles per hour.
Ang waterslide na ito ay mayroong limang-palapag ang taas na umbok, kung saan mapapatalsik pataas ang mga nakasakay -- isang katakut-takot na pagtatapos na maaring ikalaglag ng ating mga puso, tiyan, at iba pang bagay.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH