Batang Agila, ninakaw ang isang camera, at kinunan ang sarili bago ito binaba!
Ang makulit na batang sea eagle na ito ay inilipad ang isang wildlife camera, sa Kimberley region sa Western Australia, at dinala ito sa isang malaking adventure!
Ang motion-capture na camera ay sinet-up ng mga Aboriginal rangers sa may baybayin ng Murray River, at sa tabi ng camera ay may trap na may karne, para makakuha ang camera ng video ng mga buwaya.
Pero nawala ang camera, at akala ng mga rangers ay nahulog ito sa tubig...
Hanggang sa nakakuha sila ng tawag mula sa isang ranger na natagpuan ang camera sa layo na may isang daang kilometro. Sa loob ng camera ay may tatlong 30-second clips, kung saan makikitang ang batang agila ang nagnakaw sa camera. Ayon sa mga ranger, kung mas matanda ang agila, ilalaglag nito ang camera sa mga bato mula sa mataas na lugar, at hindi nila makukuha nang buo ang camera.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment