Away ni Elan Gale na na-live-tweet mula sa eroplano, peke pala!

  • 9 years ago
Away ni Elan Gale na na-live-tweet mula sa eroplano, peke pala!

Ang pag-live-tweet ng producer ng TV show na The Bachelor, na si Elan Gale, itong nakaraang Thanksgiving, ay hindi pala tutoo, at isang hoax!

Ilang araw ding umikot ang kuwento tungkol kay "Diane in 7A" sa internet.

Maraming tao ang naglabas ng kanilang mga sama ng loob sa Thanksgiving kay Diane.

Pero nang i-tweet ni Elan ang litratong ito, ay namalayan ng mga tao na ang kanyang kuwento pala ay peke.

Sabi ni Elan, sana ay nagdala ng katuwaan sa mga tao ang kanyang kuwento itong Thanksgiving.

May mga taong hindi natuwa; samantalang may mga taong nagsasabing alam nila na peke lang ito. Medyo duda kami diyan!

Para kay Elan, sulit ang panloloko, at siya ay nadagdagan ng 170,000 na Twitter followers.

Pero mula ngayon, ay wala nang maniniwala sa kanya kapag tutoong nakasalubong siya ng isang nakakainis na tao sa eroplano.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended