The Avengers star Mark Ruffalo, nag-marijuana sa harap ng live audience!
Iyan ang itsura ni Mark Ruffalo, matapos niyang madiskubre na ang kanyang hinihithit na marijuana sa isang play, sa harap ng isang live audience, ay tutoo!
Sa isang interview sa The Graham Norton Show, ikinuwento ni Ruffalo ang panloloko sa kanya ng isa pang aktor na nakasama niya sa naturang play, kung saan pinalitan nito ang pekeng prop na doobie, ng tutoong marijuana! At sa opening night pa!
Ang pinakamalala ditto, ay ang ka-eksena ni Ruffalo na aktres, ay never na nakasubok ng marijuana.
Natantanan lamang ni Ruffalo na tutoong marijuana ang hinihithit niya nang makita niyang tinatawanan siya ng aktor mula sa backstage.
Ayon kay Ruffalo, ang paghithit ng marijuana ang nagbigay sa kanya ng pinakamagandang review ng kanyang career!
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH