Dating Security Chief ng China, naaresto para sa corruption
Bagong imbestigasyon ng corruption sa China: dating Chinese Security Chief na si Zhou Yongkang, naaresto
Isang malaking politikal na pangalan sa China ang maaring tumungo sa bilangguan.
Tatlong buwan matapos masentensiya ng habang buhay para sa corruption, ang Chinese na politikong si Bo Xilai, and retiradong security chief naman na si Zhoy Yongkang ang naaresto.
Ayon sa media outlet na Boxun at Mingjing News, si Zhou ay sobrang natakot at hindi makatayo ng maayos habang siya ay inaresto.
Ayon sa mga report, matapos ang pag-retire ni Zhou noong 2012, ang anti-corruption tsar ng China, na si Wang Qishan, ay tahimik na nag-dispatsya ng limang daang police officers para imbestigahan si Zhou.
Si Zhou ay nagplano diumano noong 2007 na i-overthrow ang Chinese government sa pamamagitan ng pag-assasinate kay Xi-Jinping, bego pa siya maging presidente ng China -- at si Bo Xilai sana ang papalit sa kanya.
Kabilang sa mga kaso laban kay Zhou, ay ang kanyang pag-hire ng dalawang police officers para patayin ang kanyang asawa sa isang pekeng car accident, para mapakasalan niya ang isang batang anchorwoman noong 2001.
Ang dalawang officers ay nakulong raw ng ilang taon, pero nang sila ay makalaya, sila ay nabigyan ng magandang trabaho sa National Petroleum Company sa China.
Dahil sa away sa loob ng pamilya, isa sa mga anak na lalaki ni Zhou ang nasabing tumutulong sa imbestigasyon laban sa kanyang ama.
Ang corruption diumano na kinasasangkutan ni Zhou at ng kanyang pamilya, ay may kasamang real estate, at pagsuhol sa mga industrya ng petroleum at telecommunications.
Ayon sa report, wala pang sampung taon ay nakakuha nan g 500 million USD ang pamilya ni Zhou.
Dalawa sa dating kakampi ni Zhou -- pati na rin ang dating presidente ng China na si Jianh Zemin -- ay bumaliktad na, at itinuturing na kalaban ang dati nilang kaibigan.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.you
Be the first to comment