Skip to playerSkip to main content
  • 10 years ago
Grade six na bata, na-bully sa pamamagitan ng Nintendo 3DS

Pitong grade six na bata na nag-aaral sa isang primary school sa Moriya, Ibaraki, sa Japan, ang nag-bully ng isa sa kanilang mga kaklase, sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato habang nakahubad ito. Ang kasong ito ay umabot na sa korte.

Ang biktima at ang mga nang-bully sa kanya ay kabilang sa iisang handball club.

Mahigit sa anim na buwan nang tinatanggal ng mga bully ang pantalon ng kawawang biktima.

Noong Setyembre, hinubaran ng mga bully ang biktima, at kinunan siya ng video, gamit ang Nintendo 3DS. Kumuha din sila ng mga litrato, at kinalat pa ang mga ito sa pamamagitan ng 3DS.

Nagpa-press conference ang magulang ng biktima at dinademanda ang pamilya ng mga bully sa halagang 97,000 USD.

Dahil ang mga hubad na litrato ay nakalat sa paggamit ng Nintendo 3DS, ang mga gumagawa ng Nintendo ay isinuspinde na ang photo at diary sharing services simula pa noong Nobyembre.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended