Chinese na babae, humingi ng pera matapos matamaan ng bisikleta ng foreigner

  • 9 years ago
Chinese na babae, humingi ng pera matapos matamaan ng bisikleta ng foreigner

Sa Beijing, China, ang isang maliit na aksidente ay mabilis na naging drama sa kalsada, matapos mabangga ng isang foreigner na nakasakay sa isang electric bike ang isang Chinese na babae.

Ang aksidente ay nangyari noong isang linggo, sa Chaoyang District sa Beijing. Ang babae ay natumba sa kalsada nang siya ay nabangga ng bisikleta. Hinawakan ng babae ang jacket ng foreigner, at ayaw itong bitawan.

Minura ng foreigner ang babae, at sumagot naman ito habang nakahawak sa jacket ng lalaki. Dumating din ang pulis sa wakas, matapos silang mag-away ng isang oras. Ang babae ay dinala sa ospital at napatunayang siya ay hindi nasaktan. Pero nagkunwari pa rin siyang pilay at sinabing may nararamdaman siyang sakit sa kanyang puso.

Nagkabati rin ang dalawa matapos bigyan ng lalaki ang babe ng halagang 1,800 RMB. Ang video ng insidente ay mabilis na kumalat sa internet. Ayon sa pulis, ang lalaki ay mamumultahan sa pagsakay sa bisikleta nang walang lisensiya.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended