Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Babae, na-super glue sa isang inodoro sa loob ng Home Depot!

Ang kawawa at malas na babaeng ito ay si Illyana De La Keur. Siya ay ating pinapanood dahil siya ay na-stuck sa isang inodoro, sa banyo sa loob ng isang Home Depot, matapos itong lagyan ng glue ng kung sino man.

Kung may naiwan mang pride si De La Keur, ay nawala na rin ito nang nagsidatingan ang mga TV news crews para i-report ang nangyari sa kanya.

Nangyari ang insidente noong November 27, sa isang Home Depot sa Georgia. Ang 40-year-old na si De La Keur at ang kanyang mga kaibigan ay bibili daw ng heater.

May isang taong nagpunta sa banyo pata sa babae...

At naglagay ng Loctite super adhesive sa mga upuan ng inodoro.

Hindi nagtagal, si De La Keur, na isang stay-at-home mom, ay nagpunta sa banyo....

At mabilis na na-realize na matatagalan siya doon.

Ayon kay De La Keur, lumipas ang halos kalahating oras bago nakarating ang emergency staff para siya's matulungan. Kasama nilang dumating ang kalahati ng staff ng Home Depot.

Matapos ang kalahati pang oras ay nakawala rin si De La Keur, Natagpuan ng store manager na si Mary Dean ang isang boteng glue sa loob ng isang paper bag, na nsa kamay na ng mga imbestigador.

Ayon sa sheriff, ang insidente ay nananatiling isang open investigation. Baka kailangang imbestigahan kung bakit hindi muna tiningnan ni De La Keur ang upuan, bago siya umupo?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended