Lolo, nahulog mula sa bubong, dahil nai-lock ng apo ang pinto ng apartment
Isang lolo ang nahulog mula sa bubong, matapos i-lock ng kanyang apo ang pinto ng bahay.
Ang 58-year-old na si Liao, ay namatay matapos siyang mahulog mula sa 5th floor ng apartment ng kanyang anak, sa Taichung, Taiwan.
Si Liao ay nagpunta sa rooftop para kunin ang kanyang sinampay na damit, at iniwan ang kanyang 2-year-old na apo sa loob ng apartment.
Nang marinig niyang umiyak ang kanyang apo, bumalik si Liao sa apartment, pero nai-lock ng bata ang pinto -- kaya nagdesisyon si Liao na mag-rappel pababa sa apartment sa pamamagitan ng isang satellite cable na nakatali sa kanyang baywang sa isang dulo, at nakatali sa isang water tank ang kabilang dulo.
Pero naputol ang cable, at si Liao ay nahulog sa isang mabang bubong, bago siya bumagsak sa kalsada. Siya ay namatay dahil sa seryosong trauma sa kanyang ulo.
Dahil hindi alam ng bata na namatay na si Liao, ay tinatanong niya ang mga tao kung nakita nila ang kanyang lolo.
Ayon sa mga opisyal, ang mga satellite cables ay kakayanin ang tatlumpung kilong bigat, pero hindi ang bigat ni Liao, na nasa animnapung kilo. At malamang daw ay 1.6 na Segundo lamang ang lumipas para mahulog si Liao mula sa bubong hanngang sa ibaba.
Ayon din sa mga opisyal, ang impact ng pagbagsak ng katawan ni Liao ay nasa limang libong kilo -- katumbas ng pagbagsak ng isang 3.6 ton na truck sa kanyang katawan.
Ayon sa fire department, ang mga bata ay hindi dapat iniiwanan sa loob ng bahay nang mag-isa, at kapag nai-lock ng bata ang sarili nila sa loob ng bahay, dapat tayong tumawag sa 911 o ibang emergency hotline.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments