VIDEO: Lasing na foreigner, inasulto ang isang taxi driver sa Hong Kong!

  • 9 years ago
VIDEO: Lasing na foreigner, inasulto ang isang taxi driver sa Hong Kong!

Bayolenteng lasing na lalaki, nakunang inaasulto ang isang taxi driver sa Hong Kong!

Para sa matangkad at lasing na lasing na lalaking ito, na ang pangalan daw ay Alex, ang rehab ay makabubuti para sa kanya.

Para sa marami, ang pag-inom ng alak ay nakakatanggal ng pagiging mahiyain. Pero ang tinanggal ng alak kay Alex ay ang abilidad na mag-isip at maging disenteng tao.

Alas dos ng madaling araw noong Martes, sa Jaffe Road sa Wan Chai District, nang nagtawag ng taxi si Alex. Ang taxi driver ay tumanggi dahil halatang lasing na lasing itong si Alex -- at dahil dito ay nakipag-away sa driver si Alex.

Matatapos na sana ang gulo nang gumitna ang babaeng kaibigan ni Alex, pero hindi niya ito naawat. Sinugod ni Alex ang 57-year-old na driver, at nagkaroon ng pinsala ang driver sa kanyang ilong at dibdib.

Hindi pa diyan nagtapos ang kagaguhan ni Alex. Nilapitan nito ang isa pang taxi na walang kinalaman sa mga pangyayari, at sinipa ang sasakyan.

Dumating din sa wakas sa eksena ang mga pulis, at naaresto si Alex.

Ang taong tumawag sa pulis ay isa palang employado sa isang bar namalapit sa eksena ng insidente. Nanggulo rin pala si Alex sa bar na iyon; nagtatayo sa isang sopa at naghahagis ng mga bote at mikropono.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended