Lalaki, pinatay ang lola ng ex-girlfriend, dahil sa sobrang selos!

  • 9 years ago
Lalaki, pinatay ang lola ng ex-girlfriend, dahil sa sobrang selos!

Isang lalaki, pinatay ang lola ng kanyang ex-girlfriend!

Isang 27-year-old na lalaki ang pinatay ang lola ng kanyang ex-girlfriend, sa Tainan, Taiwan, dahil sa selos!

Sinubukan din niyang patayin ang ina ng kanyang ex, pero napigilan siya ng mga kapitbahay.

Nakilala ng lalaki ang kanyang ex sa isang online game, pero naghiwalay na sila nang tatlong buwan.

May suspetsya ang lalaki na nanlalake ang kanyang ex, kaya nagdesisyon itong patayin ang kanyang ex, at pagkatapos ay magpapakamatay siya.

Noong umaga ng December 10, nag-taxi siya papunta sa bahay ng kanyang ex, at may dalang bag na may laman na kutsilyo at lubid.

Sinundan niya ang kanyang ex papunta sa opisina nito, pero naisipan niyang bumalik sa bahay ng ex at kinatok niya ang pinto.

Sinagot ng lola ng babae ang pinto, at pinapasok ang lalaki dahil magkakilala sila.

Matapos makausap ng lalaki ang lola, ay nagdesisyon ito na pakawalan na lang ang kanyang ex.

Pero nang nakita niya ang mga litrato ng kanyang ex kasama ang ibang lalaki, nagwala ito at sinakal at pinatay ang lola.

At dahil hindi pa nawala ang kanyang galit, plinano niyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng babae.

Tumawag ang nanay ng babae sa bahay, at nang walang sumagot ng telepono, umuwi agad ito kasama ang kanyang kaibigan. Hinarang sila ng lalaki sa labas ng bahay, at tinangkang patayin ng nanay. Inawat ng kaibigan ng nanay ang lalaki, at nailigtas ang kanyang buhay.

Tumakbo patakas ang lalaki, pero pinigilan siya ng mga kapitbahay.

Ayon sa ina ng babae, tinakpan daw ng lalaki ang kanyang bibig nang siya ay nakauwi, at tataliin dapat ang kanyang mga kamay pero napigilan niya ito.

Nang tanungin ng nanay kung nasaan ang lola, nagsinungaling ang lalaki at sinabing namalengke daw ito.

Ang lalake ay naaresto, at umamin sa kanyang pagpatay sa lola, kahit na tumanggi itong makipag-usap sa pulis sa oras ng gabi.

Ayon sa mga doktor, nahihirapan ang

Recommended