Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Lalaki, nagpaka-Spiderman sa tutoong buhay, para lang makausap ang ex-girlfriend!

Isang tutoong buhay na Spider-Man, naaresto?!

Alam natin na malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig, pero over naman na ito...

Isang residente sa isang apartment sa New Taipei City ang nakarinig ng mga kakaibang ingay noong gabi ng December 10, at binuksan niya ang kanyang bintana para mag-imbestiga.

Laking gulat ng babae, nang makita niya ang isang lalaki na inaakyat ang kanyang bintana! Dahil akala niya's magnanakaw ang lalaki, tumawag siya sa pulis.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, ang 18-year-old na Spider-Man wannabe na ito, ay si Lee. Naghiwalay saw si Lee at ang kanyang girlfriend, na ayaw makipagkita sa kanya, o sagutin ang kanyang mga tawag. Desperadong makipagbalikan, inakyat ni Lee ang apartment building ng kanyang ex para kumprontahin ito.

Nang nahuli siya ng babaeng nakatira sa second fllor, nanagtawag ng pulis, nagsinungaling si Lee at sinabi sa babae na nawala niya ang kanyang susi kaya inaakyat niya ang building.

Si Lee ay umabot hanggang sa 4th floor, bago siya na-stuck, at siya ay nahatak sa balcony sa 5th floor, kung saan nakatira ang kanyang ex. Hindi sila nagkabalikan, at naaresto si Lee para sa breaking and entering.

Matapos madiskubre ng mga pulis na si Lee ay hindi nagtangkang gumawa ng krimen, at siya ay isang desperadong ex-boyfriend, hinayaan na nila itong umalis at hindi na siya nakasuhan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended