Coach, nambugbog ng high school student dahil nakipag-sex sa kanyang kamag-anak!

  • 9 years ago
Coach, nambugbog ng high school student dahil nakipag-sex sa kanyang kamag-anak!

Si Michael Ciccarelli ay isang high school history teacher at wrestling coach sa King City High School, sa California.

Alam nating lahat na ang mga ama ng mga babaeng teenager ay may pagka-over protective.

Si Ciccarelli ay hindi isang ama, pero siya ay may espesyal na pagmamalasakit sa isa niyang 15-year-old na kamag-anak.

Nang napansin niyang ang babae at isang lalake ang um-absent sa wrestling practice, pinuntahan ni Ciccarelli ang bahay ng lalaki at halos sirain ang pintuan ng kwarto nito.

Dito niya nahuling nagse-sex ang dalawang teenager.

Kalmadong kinausap ni Ciccarelli ang dalawa, at binigyan sila ng payo tungkol sa sex, STDs, at paghintay sa tunay na pag-ibig.

Joke lang po! Binali ni Ciccarelli ang ilong ng 15-year-old na lalake, at sinipa pa ang mukha nito habang siya ay nakahiga sa sahig.

Bagamat pinipilit niya na ipinagtanggol niya lamang ang kanyang kamag-anak, malaki ang posibilidad na makulong si Ciccarelli.

Sa tutoo lang ay hindi naming maintindihan kung bakit napaka-protective niya sa teenager na hindi naman niya anak! May pagka-creepy, hindi ba?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended