Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Mayaman na teenager sa Texas, nakalusot sa pagpatay ng 4 na tao sa DUI!

Alam nating lahat na ang ating lipunan ay hindi pantay pagdating sa mga mayayaman.

At ang kasong ito, kung saan ang isang mayaman na teenager sa Texas ay nakalusot sa pagpatay ng tao, ay ikinagagalit ng marami.

Ang mayaman na 16-year-old na si Ethan Couch ay nagmamaneho ng kanyang SUV, na sinasakyan ng pitong kaibigan, noong Hunyo.

At dahil siya ay tatlong beses na lumapas sa legal na adult blood alcohol limit, siya ay naaksidente, at nakapatay ng apat na tao.

Namatay ang 24-year-old na si Breanna Mitchell, ang ama ng tatlo na si Brian Jennings, at ang mag-ina na sina Hollie at Shelby Boyles.

Kung ang tanong ninyo ay, paano mo ipagtatanggol ang isang katulad ni Couch?

Ang sagot ay: bullshit legal strategy!

Ayon sa defense psychologist ni Couch, siya ay isang biktima ng kayamanan, at may isang sakit na itinatawag na "affluenza."

At dahil sa kanyang marangyang pamumuhay, hindi raw niya natutunan ang simpleng leksiyon na ang kanyang mga gawain ay may mga kahihinatnan.

Dahil sa argumentong ito, napa-desisyon ang judge na huwag ikulong si Couch. Tama. Para matuto siya, diba?




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended