Anim na lasing na Santa, nakipag-away at ginulo ang SantaCon sa NYC!

  • 9 years ago
Anim na lasing na Santa, nakipag-away at ginulo ang SantaCon sa NYC!

May mas maganda pa bang simula ng holiday season, bukod sa panonood ng isang grupo ng lasing na Santa Claus, na nagsisitakbo sa isang SantaCon event sa New York City? Marami ang nagreklamo na ang pub crawl itong nakaraang Sabado ay masyadong maingay at magulo.

Ang tanong: ano naman ang posibleng magkagulo kapag naihalo natin ang napakaraming alak sa ganitong sitwasyon?

Isang video sa YouTube ang nagpapakita ng anim na lasing na Santa, na nakikipag-away sa apat na malas na biktima.

Mabilis na sumabog ang away, na nagsimula sa isang Santa na-knockout ang isa sa mga lalaki, na nakadamit na pula.

Mula doon ay talagang binugbog na ng mga Santa ang mga lalaki. At nang magising ang naka-pulang lalaki, ay na-KO siyang muli ng Santa.

Nakasuntok din naman ang lalaking naka-pula, pero hindi nagtagal ay siya ay napabagsak ulit ng mga Santa -- lalo na ang nakapag-ko sa kanya ng dalawang beses!

Ang pinaka-nakakabaliw na parte ng video na ito ay ang mga taong nanonood lamang ng away, at hindi nakialam o tumulong.

Ganito ba ang tamang pag-celebrate n gating pinakahihintay na holiday season? Huwag na sanang maulit next year!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended