Lasing na pulis, hindi maalalang binaril niya nang anim na beses ang isang lalaki!

  • 9 years ago
Lasing na pulis, hindi maalalang binaril niya nang anim na beses ang isang lalaki!


Isang off-duty police officer sa New York, nawalan ng malay sa sobrang pagkalasing, at hindi maalalang binaril niya ang isang lalaki!

Isang police officer sa New York ang nagbayad ng bail sa araw na ito, matapos siyang maaresto, dahil siya ay naglasing hanggang sa siya ay nag-blackout sa isang bar sa Bronx noong Martes, at pagkatapos ay nagpunta sa Pelham, kung saan binaril niya nang anim na beses ang isang lalaking hindi niya kilala.

Si Officer Brendan Cronin ay nagpunta sa isang bar sa City Island, sa Bornx, para makipag-inuman kasama ang ibang mga pulis.

Samantala, ang mga amateur hockey players na sina Rob Borrelli at Joe "The Truck" Felice ay nagmamaneho pauwi, matapos manalo ang kanilang team, The Wranglers.

Napahinto sila sa isang red light, nang hinarang sila ng lasing na si Cronin, na hinugot ang kanyang service weapon.

At ito ang parte na hindi maalala ni Cronin: Pinaulanan niya ng bala ang kotse ng dalawang lalaki, at natamaan si Felice ng anim na beses.

Umalis sa eksena si Cronin, at dinala ni Borreli ang kanyang nabaril na teammate sa ospital.

Mabilis na nahanap ng pulis si Cronin, salamat sa kanyang magulong pagmamaneho, at nakabukas na hazard lights. Babarilin na nil asana si Cronin, kung hindi niya tinapon ang kanyang baril palabas ng bintana.

Ayon sa mga doktor, nagpapagaling si Joe "The Truck" Felice, na para sa isang taong nabaril nang anim na beses, ay nasa maayos na kondisyon. Samantala, natagpuan ng mga imbestigador ang labing-apat na casing ng bala sa baril ni Cronin, at siya ay nakasuhan ng assault.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended