Lalake, ninakawan ang isang Maid Cafe sa Akihabara, Japan!

  • 9 years ago
Lalake, ninakawan ang isang Maid Cafe sa Akihabara, Japan!

Isang babaeng nagta-trabaho sa isang Akihabara maid café ang natutukan ng kutsilyo at tinakot ng isang magnanakaw noong isang buwan. Ang magnanakaw, na estudyante sa isang vocational school, ay naaresto noong Lunes.

Ang magnanakaw, nan aka-Amerikana at salamin, ay kumakain ng cake at dalawang oras nang nasa loob ng café. Pag-alis ng isang lalaking customer, nagkunwari ang magnanakaw na magbabayad ng bill. Dito siya naglabas ng kutsilyo, at tinakot ang nasindak na babaeng employado.

Nakakuha ng 135,000 Yen, o 1300USD, ang magnanakaw bago ito umalis.

Nasundan ng mga pulis ang suspek sa pamamagitan ng taxi records at security camera footage na malapit sa maid café, at ito ay naaresto.

Umamin ang suspek sa lahat ng kaso, at sinabing ang perang ninakaw ay kanyang ginastos sa pag-ayos ng kanyang scooter, at pagkain. Naibalik din niya ang parte ng nanakaw na pera.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended