Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Mga addict sa smartphone, mangangailangan ng sakbibi sa ulo!

Addicted ka bas a iyong smartphone? Baka kailangan mo ng sakbibi para sa iyong ulo!

Ang mga batang pasyenteng ito ay pinapaayos ang kanilang katawan, dahil nasanay silang palaging nakayuko habang ginagamit ang kanilang mga tablets at smartphones.

Ayon sa mga doktor, parami ng parami sa mga batang gumagamit ng electronics ang nagkakaroon ng sakit sa kanilang leeg at balikat. May mga kaso din ng pagkabali o pag-iba ng posisyon ng kanilang mga buto.

Tuwing tagginaw, tumataas dawn g 30 percent ang mga pasyenteng nangangailangan ng cervical traction para sa kanilang mga leeg. Marami sa kanila ay mga aminadong addict sa smartphone.

Ayon sa 28-year-old na administrative assistant na ito, kapag tapos na siya sa trabaho ay may apat hanggang limang oras siyang mag-s-smartphone.

Ayon naman sa 24-year-old na office worker na ito, ginagamit niya ang kanyang smartphone kapag siya ay nakahiga sa kama pagkauwi sa bahay, bago matulog, habang naghihintay ng bus. May dalawa hanggang tatlong oras daw siyang gumagamit ng smartphone.

Ayon sa mga doktor, ang pagiging addict sa telepono ay mabilis na nauuwi sa pagkahigpit ng balikat, na naninigas sa maginaw na panahon, dahil mas mabagal ang sirkulasyon ng dugo sa katawan. Ito ay maaring mauwi sa seryosong sakit sa leeg at balikat.

Sa mga malalalang kaso, ang addict sa phone ay maaring magkaroon ng pag-umbok ng kanilang buto sa baywang at balakang, na ikasasakit ng kanilang buto sa likod ng katawan. Sa ganitong kaso, kakailanganing sakbibihan ang kanilang mga ulo.

Ayon sa mga physiotherapists, ang mga taong may sakit sa balikat at nakakaranas ng pagkamanhid ng kanilang mga kamay, ay dapat na agad magpatingin sa doktor.

Ang pag-umbok ng buto at pressure sa mga ugat nang matagalan ay maaring makasira sa mga ugat, at pagkabulok ng mga muscles sa katawan. Pagtagal ay hindi na maiaangat ang ating mga braso.


For news that's fun and never boring, visit our channel:

Recommended